Sampung-taon-gulang lang si Sam Pinto nang magsimula siyang gumawa ng mga television commercial at naging print ad model din. Alamin sa programang "Tunay Na Buhay" kung papaano tuluyang nakapasok sa showbiz ang aktres na sumikat din bilang "Neneng B" sa "Bubble Gang."
Ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang buhay na lumaki sa isang pamilya na hiwalay ang mga magulang pero hindi naman napagkaitan ng pagmamahal at kalinga ng kaniyang ama't ina. Panoorin.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News