Bago ang upcoming shows niyang "The Good Teacher" at "Tadhana," magbabalik muna si Marian Rivera sa patok na tele-fantasya ng GMA na "Encantadia."
Matatandaan na naging maigsi lamang noon ang paglabas ni Marian sa fantaserye bilang si Ynang Reyna Minea matapos siyang paslangin.
At sa kaniyang pagbabalik, kakaibang Reyna Minea na ang makikita ng mga encantadiks dahil sa kasuotan na rin niya bilang isang mandirigma.
Ayon kay Marian, hindi niya inasahan na mabubuhay at magbabalik ang kaniyang karakter kaya masaya siya na makasama muli ang mga sanggre na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.
Kung ano naman ang magiging misyon ni Reyna Minea sa pagbabalik nito sa "Encantadia," sinabi ni Marian na ito ang dapat abangan ng mga manonood.
-- FRJ, GMA News