Nasawi ang isang lola sa kamay ng sarili niyang apo na hindi umano niya pinautang sa Balud, Masbate.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia na iniulat din sa Saksi, sinabing wala nang buhay nang matagpuan sa damuhan ang biktima noong Mayo 1.

Ang hindi pagpapautang ng lola sa kaniyang apo ang tinitingnang motibo sa pamamaslang, ayon sa pulisya.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, na umamin daw sa nagawang krimen.

Patuloy na sinisikap ng GMA Regional TV Bicolandia na makunan ng panig ang suspek at pamilya ng naturang biktima. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News