Darating sa Pilipinas ang incorrupt heart relic ni Saint Padre Pio sa Oktubre 6, 2018 at mananatili sa bansa hanggang sa Oktubre 26.

Sa ulat ng GMA news "Unang Balita" nitong Martes, sinabing lilibot sa Luzon, Visayas at Mindanao ang first class relic ng Santo bago dalhin sa National Shrine of Saint Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas.

Ayon kay Father Jojo Gonda, rector ng National Shrine of Saint Padre Pio, dadarating ang relic bilang paggunita sa ika-100 taon ng pagkakaroon ni Padre Pio ng stigmata o mga sugat ni Hesus.

Kasabay nito ay gugunitain ang ika-50 taon ng kaniyang pagpanaw.

“Besides, it is the Year of the Clergy and the Consecrated Persons. Padre Pio, given as a role model for them, can be an inspiration and challenge to us to have a heart like his, close to the Eucharistic and forgiving heart like the Lord,” sabi ni Gondo.

Ang Pilipinas ang ika-apat na bansang binisita ng heart relic ni Saint Padre Pio.

Ang Luzon leg ay magmula October 8 -10 na panangangasiwaan ng Archdiocese of Manila, ang Visayas leg ay October 11-13, ng Archdiocese of Cebu, at ang Mindanao leg ay October 14-16, na pamamahalaan ng Archdiocese of Davao. -- FRJ, GMA News