GMA Kapuso Foundation, tumugon sa panagawan ng mga pamilya na nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Tinugunan ng GMA Kapuso Foundation ang sulat ng ilang pamilyang nangangailangan dahil sa kawalan ng hanap-buhay sanhi ng COVID-19 pandemic.  

GMA Kapuso Foundation, tumugon sa panagawan ng mga pamilya na nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19

By MARAH RUIZ

Ilang mga pamilya ang sinubukang sumulat sa GMA Kapuso Foundation para humingi ng tulong ngayong may COVID-19 pandemic.

Karamihan sa kanila ay nawalan ng hanap-buhay dahil sa lockdown na hatid ng pandemya.

Sinubukan na rin nilang i-barter and ilang gamit, pero kulang pa rin ito para sa araw-araw na pangtustos sa kanilang pamilya.

"Subukan ko kayang sumulat. Sa araw raw po, 'yung simula ng COVID, nag-aalala na ko kasi wala naman kaming mapagkukunan," kuwento ni Lhea Oliveros, isa sa mga sumulat para humingi ng tulong.

Agad namang tumugon ang GMA Kapuso Foundation at naghatid sa kanila ng GCQ family grocery pack na may lamang bigas, de lata, kape, hotdog, tubig, juice, mga sabon, at diapers.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Kimberly-Clark Philippines, at Gardenia Bakeries Phils., Inc. sa operasyon.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.