#NoToPiracy: Direk Mike Tuviera, nagpasalamat sa AlDub Nation dahil sa pagbabantay para hindi mapirata ang 'Imagine You & Me'
July 13 2016
Tila maaga ang Pasko para sa AlDub Nation dahil ngayong araw, July 13, mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang highly-anticipated romantic flick ng Eat Bulaga power couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza na ‘Imagine You & Me.'
Taos puso ang naging pasasalamat ng IY&M director na si Direk Michael “Mike” Tuviera sa lahat ng mga tao na nagpunta sa grand premiere ng naturang pelikula kagabi sa SM Megamall Cinema na walang nag-leak online ng mga exciting scenes ng AlDub.
In fairness, wala akong mahanap na spoilers from last night! Isa lang ibig sabihin nito. AlDub Nation knows RESPECT. #ALDUBImagineYouAndMe
— Michael Tuviera (@DirekMike) July 13, 2016
Wala muna magkwento please. Iba ang excitement pag aabangan e. (Joke nangiinggit lang ako pero promise maganda!haha) #IYAMTheGrandPremiere
— Nicolette Ann ? (@nicoletteannmc) July 12, 2016
Masaya din si Direk Mike na pursigido ang AlDub Nation na proteksyunan ang pelikula nina Maine at Alden lalo na sa mga gustong pumirata dito.
IMAGINE YOU & ME is the kind of movie you really have to experience with an audience & on the big screen! #NoToPiracy #ALDUBImagineYouAndMe
— Michael Tuviera (@DirekMike) July 13, 2016
MORE ON ALDUB:
'Imagine You & Me' grand premiere night rules Twitterverse worldwide
Comments
comments powered by Disqus