Nakatagpo ng inspirasyon si Alex sa kayauhan ni Cindy. Pero kahit kailangan nilang magkalayo dahil sa pasya ng dalaga na mangibang-bansa para mag-aral, 'di siya nawalan ng pag-asang ipagpatuloy ang daloy ng buhay, itaguyod ang pamilya at maghiganti sa amang matagal na siyang tinalikuran.
Dahil sa kanyang pagsisikap, natupad ang pangarap niyang maging isang photojournalist. Dito niya makikilala si Janice, ang editor-in-chief ng pinakasikat na tabloid sa bansa, Dahil sa poot ni Alex sa kanyang ama at sa problema ni Janice sa kanyang nambababaeng asawa, magiging malapit ang dalawa sa isa't isa. Pero higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang mararamdaman. At sa 'di inaasahang pagkakataon, isang sandali ang kanilang hihiramin.
Sa pagbalik ni Cindy, paano tatanggapin ni Alex ang katotohananng magkadugo pala ang una niyang minahal at ang kasalukuyang niyang iniibig?
Paano maibabalik ni Janice ang pamilyang unti-unti na sanang nabubuo pero tila mawawasak muli dahil sa isang sandaling hiniram?
Matagpuan kaya nila ang pag-ibig na karapat-dapat ipaglaban sa isang hiram na sandali?
Under the direction of Maryo J. delo Reyes, magsisimula ang Pahiram ng Sandali on November 26 sa GMA Telebabad.
Pahiram Ng Sandali will redefine primetime viewing experience beginning November 26 on GMA Telebabad.