Cast
Alden Richards as Victor Magtanggol

Pangkaraniwang tao man, makikitang isa siyang responsableng anak, mabuting kuya at matulunging mamamayan. Sa paghahanap niya sa kanyang ina sa Canada, makakatanggap siya ng isang compass na magtuturo sa kanya sa kanyang kakaibang kapalaran. Siya kasi ang mapipiling magpatuloy ng kabayanihan ng diyos na si Thor at magmana ng sandata nitong Mjolnir. 

Coney Reyes as Vivienne Magtanggol

Ina ni Victor na magtatrabaho bilang nurse sa Canada. Habang narito, makakatagpo muli niya ang kanyang first love kaya makikipaghiwalay sa asawa. 

Al Tantay as Tomas Magtanggol

Ama ni Victor na simpleng mekaniko at may-ari ng maliit na junkshop. Responsible siya at simple lang ang hangad sa buhay. Ililihim niya mula sa mga anak ang hiwalayan nila ng asawa. 

Chynna Ortaleza as Lynette Magtanggol-Domingo

Ate ni Victor at panganay sa magkakapatid. Strikto pero mapagmahal, siya na ang tatayong pangalawang ina sa mga kapatid matapos umalis ang kanilang ina. 

Dion Ignacio as Percival "Perci" Domingo

Asawa ni Lynette at bayaw ni Victor. Hindi siya nakatapos ng kolehiyo pero handang pasukin ang anumang trabaho para may maipangtustos sa pamilya. May hinala siyang si Victor ang superhero na binansagang "Hammerman" ay iisa. 

Lindsay Johnston as Anne Magtanggol

Bunsong kapatid ni Victor at lubos na malapit sa kanilang ina. Dahil walang kaalamalam sa mga sikreto ng ina, siya ang magtutulak kay Victor na hanapin ito sa Canada. 

Yuan Francisco as Carmelo "Meloy" Domingo

Pamangkin ni Victor at anak nina Lynette at Perci. May alam siya tungkol sa tunay na katauhan ni "Hammerman."

Reese Tuazon as Honeylyn de Mesa

Kapitbahay ng mga Magtanggol at bestfriend ni Anne. Nagsusulat siya para sa newsletter ng kanilang baranggay kung saan tinutuligsa niya ang mga gawain ni "Hammerman." 

Janine Gutierrez as Gwen Regalado

Mula man sa prominenteng political family, wala siyang interes sa pulitika. Magtatrabaho siya bilang isang field reporter na nakatutok sa mga gawain ni "Hammerman."

Eric Quizon as Hector Regalado

Ama ni Gwen at incumbent board member sa kanilang probinsiya. May ambisyon siyang magkaroon ng mas mataas na posisyon sa gobyerno at gagawin niya ang lahat para matupad ang kanyang mga plano. Hindi niya gusto si "Hammerman" dahil tingin niya, sinasapawan nito ang dapat na ginagawa ng gobyerno. 

Maritoni Fernandez as Alice Regalado

Madrasta ni Gwen at pangalawang asawa ni Hector. Siya ang tumatayong tagapayo ni Hector lalo na sa kanyang mga political decisions. 

Kristoffer Martin as Lance Espiritu

Anak ni Alice sa kanyang unang asawa. Mukhang maamo pero nasa loob pala ang kulo nito. Overprotective siya sa stepsister na si Gwen at may lihim na pagtingin dito. 

John Estrada as Loki

Siya ang Norse god of deceit and mischief. Nakaligtas siya mula sa Ragnarok at gusto niyang masakop ang mundo ng mga tao. Pero hadlang sa kanyang mga plano si Victor at ang Mjolnir. 

Andrea Torres as Sif

Asawa ni Thor at isa sa mga diyosang makakaligtas sa Ragnarok. Malalagay sa alanganin ang kanyang buhay dahil naniniwala siya sa propesiya na isang tao ang karapatdapat na magmana ng Mjolnir at tatanggi siyang isiwalat kung sino ito o saan ito matatagpuan. 

Pancho Magno as Modi

Isa sa mga anak ni Thor at makakaligtas din siya sa Ragnarok. Hindi niya matanggap na hindi siya ang tagapagmana ng Mjolnir at gagawin niya ang lahat makuha lang ito. 

Miguel Faustmann as Magni

Anak ni Thor at kapatid ni Modi. Siya ang aatasan ni Thor na magtago ng Mjolnir hanggang mahanap ang nararapat na magmana nito. Titira siya sa mundo ng mga tao bilang ang museum curator na si Magnus at nang makilala si Victor, ibibigay niya rito ang compass na magtuturo sa binata sa kinalalagyan ng Mjolnir. 

Freddie Webb as Renato Regalado

Lolo ni Gwen at tatay ni Hector. Retirado na at may stage 4 colon cancer, dati siyang congressman na lubos na mahal ng mga tao dahil malinis at hindi kurakot. Sa kanyang pagkamatay, may magnanakaw ng kanyang katauhan at gagamitin ito sa kasamaan.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.