IN PHOTOS: 'Victor Magtanggol' holds media conference
Ginanap ang media conference ng upcoming GMA Telebabad telefantasya na 'Victor Magtanggol' noong July 23.
Costumes
Ipinakita rin nila sa dumalong miyembro ng media ang kanilang mga costumes. Narito sina Miguel Faustmann bilang Magni, John Estrada bilang Loki, Alden Richards bilang Victor Magtanggol, Andrea Torres bilang Sif, at Pancho Magno bilang Modi.
Magtanggol Family
Sina Reese Tuazon, Lindsay Johnston, Dion Ignacio, Chynna Ortaleza, Yuan Francisco, Coney Reyes at Al Tantay ang bubuo ng pamilya ni Victor.
Regalado Family
Isang political clan naman ang mga Regalado na binubuo nina Freddie Webb, Eric Quizon, Maritoni Fernandez, Janine Gutierrez, at Kristoffer Martin.
Director
Si Dominic Zapata ang magsisilbing director ng show. Ayon sa kanya, nais niyang ialay ang show sa kanyang mga yumaong mentors na sina Jake Tordecillas at Maryo J. delos Reyes.
Paintings
Tampok din sa media conference ang ilang paintings na nagpapakita ng mga kuwento ng Norse mythology.