About the Show
Si Jade ay isinilang mula sa isang mayamang Tsinoy family, pinalaki sa marangyang pamamahay na may kakaibang tradisyon at kulturang pinaniniwalaan.
 
Siya ang itinuturing na gemstone ng pamilya lalo’t siya ang nag-iisang anak na babae, unang apong babae, na isinilang ni Amanda at ng kanyang amang si Oscar. Si Jade ang dahilan kaya natanggap ng pamilya ang kanyang inang si Amanda kahit na ito ay isang pure Filipina at walang maipagmamalaking edukasyon o yaman. Dahil ambitious si Amanda kaya siniguro niya na lalaki si Jade na maipagmamalaki ng pamilya. After all, ang kanyang anak ang alas niya.   
 
Akala rin ni Jade ay normal na buhay lamang ang kanyang tatahakin: that of a woman na mag-aasawa, magkakapamilya, magpapatuloy sa paniniwala at kultura ng kanyang angkan. Ready na siya, lalo’t boyfriend niya na si David, ang lalaking tanggap ng kanyang buong pamilya. Pero nagkamali siya.
 
Makikilala niya si Althea, isang feminine lesbian. They will fall in love nang hindi sinasadya.   
 
At nang magdesisyon si Jade na pangatawanan ang pagmamahalang ito at kung ano ang bagong siya, saka nagsimulang dumating ang mga problema. Saka nagsimulang makita niya na unti-unting nabubunyag ang mga sikreto ng kanyang buong pamilya, na dahan-dahan silang nawawasak.
 
Dahil hindi tanggap ng pamilya ni Jade ang kanyang bagong katauhan kaya sa sulsol ni Amanda ay mapipilitan si Oscar na maglabas ng milyon-milyon para lamang maghanap at magbayad sa sinumang lalaking magpapa-ibig sa kanyang anak.
 
Mababago kaya nitong muli kung ano si Jade? O magiging matibay siya para sa pagmamahalan nila ni Althea?
 
Pero paano kung ang kapalit ng pagmamahalang iyon ay ang pagkakawasak naman ng kanyang buong pamilya?
 
Ito ang kwentong tutunghayan dito sa The Rich Man's Daughter.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.