TV

WATCH: Dalawang Clashers, inatake ng anxiety sa gitna ng laban

By Jansen Ramos
To the rescue naman ang Clash Master na si Julie Anne San Jose nang atakihin ng anxiety ang isang aspiring singer.

Habang painit nang painit ang laban, painit din ng painit ang tensyon sa likod ng The Clash arena.

Boses ang puhunan ng Clashers ngunit paano kung anxiety attacks ang mas matinding nilang kalaban?

'Yan ang naranasan nina Chrisel Dela Cruz at Anthony Curtis.

Dahil sa nerbyos, halos hindi makahinga si Chrisel.

To the rescue naman ang Clash Master na si Julie Anne San Jose para pakalmahin ang 26-year-old aspiring singer.

Samantala, nakaranas naman si Anthony ng muscle stiffness pagtungtong niya sa stage.

Naalarma si judge Lani Misalucha sa kalagayan nito kaya pinapunta muna ito backstage.

"Sana talagang mapangalagaan nila 'yung sarili nila para hind mag-worsen ito," sabi ni Lani.

Inamin ni Anthony na na-disappoint siya sa kanyang sarili matapos matalo sa laban nila ni Nef Medina.

Gayunpaman, magandang oportunidad na raw ang makapag-perform sa The Clash stage.

Ani Anthony, "I feel very happy po. The opportunity to perform in front of a lot of people, on national television is such a privilege for me and for every Clasher po.

“A tad bit disappointed sa 'kin I couldn't control myself."

WATCH: What happened behind the scenes of 'The Clash' arena

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.