Apo ni Comedy King Dolphy, hindi susuko para sa pangarap
Unang sumalang sa “One on One” showdown ng The Clash ang apo ni Comedy King Dolphy na si Rowell Quizon.
Ani Rowell, namana niya sa kanyang lolo ang talento sa pagpe-perform dahil nagagamit niya ito sa paghahanap-buhay.
"Entertainer ako sa mga comedy bar at, siyempre, nakuha ko 'yon sa ninuno ko, kay Comedy King Dolphy."
Sumali si Rowell sa The Clash hindi para sa kanyang sariling, kundi para sa kanyang dalawang anak.
Sabi niya, "Yung pangarap ko kasi hindi para sa sarili ko, 'yung pangarap ko para do'n sa dalawang anak ko.
"Siyempre, dadating 'yung araw na 'di na ko makakakanta nang maayos, tatanda tayo.
"Dumating man tayo sa time na 'yon, ang gusto ko maayos na 'yung buhay nila."
Sa kasamaang palad, maagang natapos ang kanyang The Clash journey ngunit hindi raw ito dahilan para sumuko siya para sa kanyang pangrap.
"Bago 'ko pumasok dito, sinabi ko na sa sarili ko na kung 'di ako mananalo, kung 'di ako susuwertihin, okay lang.
"Pero 'di ako susuko dahil sasali pa ulit ako. Tuluy-tuloy lang."
Visually-impaired na si Carl Montecido, alay ang talento sa Panginoon