WATCH: Performance ni Jong Madaliday sa 'The Clash,' trending sa YouTube!
Maraming humanga sa performance ng viral singing sensation na si Jong Madaliday sa The Clash noong July 7. Inawit niya ang "Treat You Better" na pinasikat ng Canadian singer-songwriter na si Shawn Mendes.
Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin online ang kanyang performance at nakuha pa nito ang 8th spot sa trending list ng YouTube.
Ayon kay Judge Lani Misalucha, may puso ang kanyang pagkakaawit. "Parang binuhos mo lahat ng puso mo. Parang binagsak sa 'min 'yung kanta, parang binato sa 'yo tapos bigla kaming natamaan na ganun," paliwanag niya.
Si Judge Aiai Delas Alas naman, hindi lang sa performance ng Clasher nagkomento.
Sabi niya, "Alam mo Jong, hindi lahat ng kagwapuhan ay nasa mukha. Sa totoo lang, habang kumakanta ka, Alden Richards ang dating mo sa 'kin."
Sa huli, nanalo si Jong laban kay Nolo Lopez sa first round ng The Clash.
Panoorin ang buong performance ni Jong sa video na ito: