Aiai Delas Alas, ipinagdiwang ang tatlong dekada sa industriya
Naluha si Comedy Queen Aiai Delas Alas nang ipinagdiwang niya ang ika-30 na anniversary sa showbiz.
Sa isang segment ng Sunday PinaSaya, naging emosyonal si Ai ai matapos ang kaniyang dance production.
Aniya, “Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa Panginoong Diyos at inabot ko po itong 30 years sa showbiz.
“At thank you sa GMA of course kay FLG [Felipe L. Gozon] at sa mga bosses natin dito sa GMA.
“Kay APT [Antonio P. Tuviera] po, kay Chairman Ninong, maraming salamat.
“At sa Sunday PinaSaya, sa importansyang ibinigay niyo sa akin.
“Direk Louie [Ignacio], thank you. Dito po nakabalik po ako sa GMA, thank you so much.
“Sa mga anak ko, kaya nagsisipag ako kasi gusto maganda ang buhay ng pamilya ko at, siyempre, 'yung mga tinutulungan ko sa charity.”
Nagbigay din ng birthday message si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kaniyang “kambal” sa Sunday PinaSaya.
“Si kambal, siya yung tipong tao na kapag may kaibigan siya ipaglalaban niya at mamahalin niya nang todo-todo talaga.
“Siguro 'yung mga katangian na nagustuhan sa kanya, ng mga tao sa kanya, is 'yung pagiging totoong tao niya sa sarili niya, na what you see is what you get.
“Isa siguro 'yan sa mga dahilan kung bakit kami naging close.
“At tsaka si Aiai kasi, e, kapag tinignan mo 'yung pagkatao niya makikita mo siya na buong buo at effortless kung pagiging maligaya niya at pagpapatawa niya.
“Kambi , happy 30th anniversary, congratulations! I
“hope to see you soon, miss na miss na kita at maraming salamat kasi isa ka sa mga pinakatotoong kaibigan ko dito sa industriyang ito.”
Pinuri naman ng Sunday PinaSaya host na si Jose Manalo ang pagiging professional ni Aiai.
“Isa kang magandang inspirasyon para sa mga baguhan na pumapasok sa showbiz,” aniya.
“'Yung iba kasi kapag pinalakpakan na ng mga tao akala nila magaling na sila.
“Pero ikaw, 30 years, mula noon hanggang ngayon nakikita namin 'yung pagiging nanay mo dito sa Sunday PinaSaya.”
Panoorin ang anniversary segment ni Aiai sa Sunday PinaSaya:
LOOK: Aiai Delas Alas starts shooting new film with Kisses Delavin