What's on TV

Radson Flores at Crystal Paras, ibinahagi ang naramdaman sa kanilang pagbabalik sa 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published July 9, 2019 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Muling nagbalik sa 'StarStruck' bilang parte ng Final 14 sina Radson Flores at Crystal Paras. Ano kaya ang kanilang nararamdaman?

Muling nagbalik sa StarStruck bilang parte ng Final 14 sina Radson Flores at Crystal Paras.


Sila ay makakasama na ngayon sa competition para paglabanan ang titulong Ultimate Male and Female Survivors ng season 7.

Sa ginanap na Second Chance Challenge, sila ang napili ng council na magbalik sa competition. Kuwento ni Crystal ay napakabilis ng mga pangyayari.

"Sobrang bilis po ng pangyayari. As in bago sila mag-announce, may kaunting heartbeat sound. Hindi ko nakaya, parang 'yung buong katawan ko mababali na lahat ng buto ko."

Hindi rin napigilan ni Crystal na maluha nang malaman niyang makakabalik siya sa StarStruck para tuparin ang kanyang artista dreams.

"Noong tinawag na 'yung pangalan ko, hindi ko na lang po talaga napigilan 'yung iyak ko, I'm so happy... Thank God, I'm here!"

Si Radson naman ay magkahalong emosyon ang naramdaman nang nalaman niyang siya ang napili ng council.

Saad ng Artista Hopeful, "Happy face for me, sad face because siyempre naghiwa-hiwalay na kami. Sa ngayon it's a bittersweet moment. Ito po, at awe. I'm at awe kasi ayun nga po sa aming tatlo na si Maynard (Fullido), si Marc (David) na sobrang gagaling kong co-hopefuls, competitors, and friends, ako po 'yung napili ng council."

Panoorin ang kanilang performance plus interview sa Inside StarStruck.