'Pinulot Ka Lang sa Lupa' star Benjamin Alves, may pick-up lines kay Julie Anne San Jose
May pagka-corny rin pala si Kapuso star Benjamin Alves dahil halos swak na swak ang kanyang mga pick-up lines para sa real-life lady love at Pinulot Ka Lang sa Lupa leading lady na si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.
Nag-post ng ilang litrato ang Kapuso hunk sa social media noong press conference ng kanilang show at mababasa rito ang ilan sa kanyang pananaw ukol sa real-and-reel love niya.
I think I died in an accident cause this must be heaven.
A photo posted by Benjamin Alves (@benxalves) on
There's a lot of stars in here ain't it? But you shine so much they don't seem famous. pic.twitter.com/F5K3TLDmvg
— Benjamin Alves (@benxalves) January 16, 2017
Samantala, inamin rin ng dalawa sa event na sila ay exclusively dating. Hindi na nagbigay ng kasunod na detalye pa si Julie Anne, “Basta po special si Ben sa akin.”
READ: Julie Anne San Jose says she’s no longer single
Lalong lumalalim naman ang pagtitingin ng aktor sa dalaga, “I appreciate her more kasi I see her everyday.”
Na-appreciate rin ni Ben ang effort ni Julie Anne na dalhan siya ng breakfast sa set, “Nagluto siya ng omellete kasi hindi na ako nakakauwi ng bahay.”
LOOK: Julie Anne San Jose and Benjamin Alves spend Christmas break together
Dahil sweet on and off cam ang dalawa, mas maasahan pa ang ganitong mga moments sa kanilang pagbibidahang soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa sa January 30 na!
Video from GMA News
MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':
IN PHOTOS: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ premieres this January 30 on GMA Afternoon Prime