What's on TV

WATCH: Onay, kumasa na rin sa #InMyFeelings challenge?

By Jansen Ramos
Published August 16, 2018 2:42 PM PHT
Updated August 16, 2018 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News



Viral ngayon ang eksena ni Onay (Jo Berry) sa drama seryeng 'Onanay' kung saan hinahabol niya ang kotse na lulan ni Helena (Cherie Gil). Ito na ba ang kanyang #InMyFeelingsChallenge?

Viral ngayon ang eksena ni Onay (Jo Berry) sa drama seryeng Onanay kung saan hinahabol niya ang kotse na lulan ni Helena (Cherie Gil).

Ang rason? Hindi ito nakaligtas mula sa malikhaing pag-iisip ng Facebook user na si Lloyd Carie Mendoza Obligado. Ginawan niya kasi ang naturang eksena ng isang meme video kung saan nilapatan niya ito ng kantang "In My Feelings."

Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 625,000 views at mahigit 19,000 shares sa Facebook.

Sa kabila ng matinding eksena, kinatuwaan pa ito ng mga netizens dahil sa good vibes na hatid ng video.

Panoorin sa August 14 episode ng Onanay ang mismong eksena ng paghaharap nina Onay at Helena.