TV

Magpakailanman presents 'Love Knows No Age'

Updated On: February 23, 2017, 03:10 PM
Tunghayan ang pagiging matatag ng isang babae sa likod ng mga pagsubok na kaniyang hinaharap na pangungunahan nina Ashley Ortega at Kenneth Medrano. 

 

 

Lahat tayo ay naghahangad ng tapat na pagmamahal.  Ilan sa atin ay umaasa sa social media para makahanap ng kapareha. Ngunit sa tulong nga ba ng social media ay makakahanap ka ng mala-fairy tale na kapareha? 

For real nga ba ito o paglalaruan ka lang ng tadhana at ng mundong mapanghusga?

Mula pagkabata ay makapag-aral lamang ang tanging pangarap ni Mich. Ngunit ang kaniyang ama ay pagtratrabaho ang gusto na agad na ipagawa sa kanila. Sa kagustuhang makapag-aral, lumuwas si Mich sa bayan at nanilbihan bilang kasambahay, pantustos sa kanyang pag-aaral.

Isa sa mga naging palipas oras ni Mitch ang paggamit ng social media. Isa na rito ang facebook kung saan sa isang “paglike” lamang nya sa litrato ng kaibigang si Gil ay hindi nya inaasahang uusbong sa isang pag-uunawaan at 'di kalauna’y pag-iibigan.

Ngunit menor de edad lamang noon si Mich habang 26 y/o na si Gil. Pinatunayan ni Gil lahat para matanggap sya ng mga magulang ni Mich.

Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa loob ng ilang taon lamang nilang pagsasama ay biglang binawian ng buhay si Gil. Habang ilang buwan lamang pagkamatay nito ay ipinaganak naman ni Mich ang kanilang anak.

Tunghayan ang pagiging matatag ng isang babae sa likod ng mga pagsubok na kaniyang hinaharap na  pangungunahan nina Ashley Ortega at Kenneth Medrano. Makakasama rin nila sa episode sina Sherilyn Reyes,Shyr Valdez, Elyson De Dios at Dea Formilleza.

Ang “Love Knows No Age: The Mitch Tandingan and Gil Moreno Millenial Love Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal Del Rosario, mula sa panulat ni Honey Hidalgo at pananaliksik ni Cynthia delos Santos. 

Mapapanood ngayong Sabado, February 25, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.