Year 2005.
Si Jeni Magtanggol ay isang makabagong Eba - matalino, malakas ang loob, matapang, at maabilidad. Pero sa kabila ng strong qualities na ito, nananatili siyang mapagmahal at may mababang loob.
Siya ay isang DJ/Host ng isang radio program na nagbibigay ng opinyon, suhestiyon, at payo about life, love, and whatever. Co-host niya si Tony Sta. Maria, na isa ring batikang radio personality. Kaya naman tinawag ang kanilang programa na The Ton & Jeni Show.
Magkasundung-magkasundo sina Jeni and Tony. They are both spontaneous and witty. Lagi lang silang masaya. Best friends sila - nag-aalagaan. Ramdam ang kanilang chemistry on air kaya naman marami silang fans na kinikilig at umaasang magiging silang dalawa na sa totoong buhay.
Pero married na si Jeni kay Enrico at may dalawa silang anak. Shaky ang relationship dahil immature, irresponsible at babaero si Enrico. Si Tony nama’y biyudo. Namatay sa aksidente ang kanyang asawa at naiwanan siya ng isang anak na babae.
Pero kung gaano ka-solid at ka-close ang dalawa, aso’t pusa naman ang kanilang mga anak na sina Erick at Pia. Walang ginawa sina Pia at Erick kundi ang mag-away at mag-asaran. Tawag ni Erick kay Pia ay Tabs dahil tabachingching ito. Stick naman ang tukso ni Pia kay Erick dahil sobrang payatot ito.
Minsa’y nag-away sina Jeni at Enrico at nauwi sa sakitan. Hindi nakatiis si Tony at ipinagtanggol nito si Jeni. Feeling ni Jeni, talagang hero si Tony sa buhay niya. Nangako pa si Tony na hindi na siya papayag na may umapi o manakit pa kay Jeni. Dito na rin nagsimulang maiba ang pagtingin ni Jeni para kay Tony. Ramdam niya na mahal siya ni Tony.
Habang lumilipas ang mga araw, lalong nade-develop si Jeni kay Tony. Walang araw na hindi siya pinakikilig nito. Lagi kasing may reference si Tony about a girl, na best friend niya, at mahal na niya. Balak na raw niya itong ligawan, bumubuwelo lang siya. Wait naman nang wait si Jeni. Pero hindi naman nagsasabi nang pormal si Tony sa kanya.
Nang minsang maimbitahan sila sa isang TV talk show, itinaon ni Jeni ang pagba-bandera ng kanyang “OO” kay Tony. She professes na mahal rin niya ito. Gulat na gulat at kinikilig ang lahat. Lahat nag-aabang at nabibitin sa isasagot ni Tony. Lahat umaasang may yakapan at kiss na magaganap, on TV. Pero mali silang lahat, lalo na si Jeni, dahil nang mag-commercial break, inamin ni Tony na hindi ganoon ang feelings niya for her. Ang totoo, there is another girl na siya niyang mahal, si Celeste. Nang bumalik na sila sa ere, pagwo-walk out na ni Jeni ang napanood ng lahat.
Dito na nasira ang pagkakaibigan nina Jeni at Tony. Mawawala na rin ang radio tandem na Ton and Jeni. Kani-kanyang landas na sila. Kahit pa ano’ng gawin ni Tony na paghingi ng sorry, hindi na ito mapapatawad ni Jeni. Nagsara na ang puso’t isip ni Jeni para kay Tony. Kailanman, hindi na mabubura ang kahihiyang ibinigay nina Tony at Celeste sa kanya.
Year 2015.
Nakabuo na muli sina Jeni at Tony ng kani-kanyang mundo.
Mukha ngang nasa magkabilang dulo na ng mundo sina Jeni at Tony (at Celeste). Marami nang nangyari at tila naka-move on na sila. Ang hindi nila alam, muli silang magkakatagpu-tagpo dahil magku-krus ang landas nina Erick at Pia.
Malalaman ni Erick ang true identity ni Pia, na siya pala ang kababatang si Tabs na minsang naging special sa kanya. Pero kahit gustuhin man ni Erick na ipagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan, mas pinili na lang niyang sundin ang ina na si Jeni at umiwas para sa ikatatahimik ng kani-kanilang pamilya. Masakit man sa loob ng binata, he’ll stay away. Hindi rin makakatulong na magkakaaway pa rin ang kanilang mga pamilya hanggang ngayon, making it difficult to pave the way to "Let the Love Begin."