READ: Janine Gutierrez, nagpasalamat sa viewers na nagtulak sa 'Legally Blind' na manalo sa ratings
Isang magandang balita ang bumungad sa araw ng Legally Blind team dahil panalo sa nationwide ratings ang pilot episode ng GMA Afternoon Prime soap na ipinalabas kahapon, February 20.
Bukod pa rito, may bonus pang handog ang viewers dahil positive ang kanilang feedback sa magandang istorya ng teleserye at sa galing ng bidang si Janine sa pag-arte. Kaya naman ipinabatid ng Kapuso actress ang kanyang pasasalamat sa mga sumubaybay sa Legally Blind sa kanyang Instagram.
"Salamat sa lahat ng nanood ng pilot episode ng #LegallyBlind kahapon! Got good news about the ratings! Salamat sa inyo, sa magandang comments at [sa] mainit ninyong pagtanggap," pahayag ni Janine.
Nag-iwan din si Janine ng isang pangako sa Kapuso viewers. Aniya, "Promise, gaganda pa ang kuwento at pagbubutihan pa namin para sa inyo."
A post shared by Janine ???????? (@janinegutierrez) on
Patuloy na subaybayan ang madilim na kapalaran ni Grace at kung paano siya muling makakabangon sa Legally Blind, weekdays pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
Legally Blind Teaser Ep. 2: Ang resulta ng krimen kay Grace
http://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/legally_blind/56568/legally-blind-teaser-ep-2-ang-resulta-ng-krimen-kay-grace/video/
MORE ON 'LEGALLY BLIND':
Janine Gutierrez, totoo na ang mga iyak sa 'Legally Blind' rape scene dahil sa takot kay Marc Abaya