TV

Kyline Alcantara, gustong sampalin si Barbie Forteza?

By Jansen Ramos
Updated On: February 9, 2018, 02:59 PM
Ibinahagi ng 'Kambal, Karibal' teen kontrabida na si Kyline Alcantara na gusto niyang makatrabaho si Barbie Forteza.

Bilang isang bagong Kapuso, excited si Kyline Alcantara na makatrabaho ang kapwa Kapuso artists niya.

#NextBigThing: These photos of Kyline Alcantara prove that she is "La Nueva Kontrabida"

Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya nang mapabilang siya sa seryeng Kambal, Karibal dahil naging daan ito upang makaeksena niya ang ilang big stars ng Kapuso network. 

Sa video interview ni Roldan Castro, ibinahagi ng teen actress na gusto niya ring makatrabaho ang dating Meant To Be star na si Barbie Forteza.

“Gusto ko po talaga si Ate Barbie Forteza. 'Pag sinabing bida 'pag sa [channel] seven, Barbie Forteza. So, parang gusto ko naman pong ma-try [makatrabaho sya].”

Maaalalang may offer si Barbie sa Kapamilya network upang gawin ang kontrabida role sa drama series na Annaliza. Pero napunta ito kay Kyline dahil may nauna nang ginawang serye si Barbie dito sa GMA, ang Stairway To Heaven. Ginampanan niya sa seryeng ito ang karakter bilang young Jodi.

Sa panayam, tinanong siya kung ayos lang sa kanya makaeksena si Barbie nang may sampalan at tugon niya, “Kung puwede po, ‘cause you know bilang kontrabida po ‘di naman po maiiwasan ‘yun.”

Gusto man mas makilala ni Kyline bilang kontrabida, open naman daw siya tumanggap ng lead roles kung sakaling may mag-offer sa kanya. 

Panoorin ang buong interview dito:

Video courtesy of Roldan Castro

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.