Ace and Vice Ganda
TV

'EXpecially For You' guest, kamukha raw ni Boy Dila?

By Kristine Kang
Maraming natawa at naaliw sa impersonation ni Vice Ganda at ka-look alike ng 'EXpecially For You' guest kay Boy Dila.

Naging usap-usapan ng netizens ang biruan ni Vice Ganda at ng iba pang hosts ng noontime program na It's Showtime nitong Huwebes (July 4).

Umpisa pa lang ng patok na segment "EXpecially For You," maraming tawanan at kulitan moments na ang bumungad sa madlang Kapuso.

Isa sa highlights ng programa ang sayawan ng hosts na kunwari raw nasa bar silang lahat. Kaugnay kasi ito sa kwento ng unang pagkikita ng mga guest na sina Fatima (searcher) at Ace (ex), kung saan ang kanilang love story ay nag-umpisa sa club.

Habang nagsasayawan ang mga host, patuloy na ikinuwento ni Ace ang kanilang first meeting. Pero sa sobrang tagal niya, nagbiro tuloy si Vice, "Nako! Ang tagal mo. Si Jackie paparating na!"

On cue, biglang lumapit sa harapan si Jackie Gonzaga at sinayaw ang kaniyang iconic "Water" dance moves.

Pero mas natawa ang lahat nang biglang nag-impersonate si Vice ng trending ngayon na si "Boy Dila."

Maya-maya, biglang napansin nina Vice at Jhong Hilario ang litrato ni Ace sa screen.

"Parang ito 'yung kamukha ni Boy Dila," sinabi ni Vice habang tinuturo ang picture ni Ace.

Para malaman kung kamukha nga niya, pina-dila ni Vice si Ace katulad ng iconic pose ni Boy Dila.

Sa X (dating Twitter), naging usapan ito ng madlang netizens. Maraming natawa sa impersonation ni Vice at sa pagkakahawig ni Ace kay Boy Dila. Nag-trend muli ang Unkabogable Star at ang naturang episode sa social media.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.