IN PHOTOS: The 'Ika-5 Utos' cast pictorial
Kilalanin ang mga nagniningning na bituin na tampok sa panibagong Kapuso serye na 'Ika-5 Utos.'
Jean Garcia
Tiyak na isang mahusay na naman na pagganap ang dapat ninyong asahan mula kay Jean Garcia.
Jeric Gonzales
Anong papel kaya ang gagampanan ni Jeric Gonzales sa istorya ng 'Ika-5 Utos?' Siya ba ang makakapatay o papatayin?
Jean and Jeric
Pagkatapos nilang mapanood sa 'Kambal, Karibal,' gaganap naman na mag-ina sina Jean at Jeric sa kanilang panibagong show.
Gelli de Belen
Sa kaniyang pagbabalik Kapuso, inamin ni Gelli na naging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng kaniyang mga katrabaho.
Antonio Aquitania
Ipapamalas ni Antonio Aquitania ang kaniyang tinatagong galing bilang dramatic actor sa family drama na ito.
Gelli, Antonio, and Jake
Isang masayang pamilya ang bibigyang-buhay nina Gelli, Antonio at Jake ngunit anong trahedya kaya ang sisira sa kanilang kaligayahan?
Valerie Concepcion
Kinuwento ni Valerie Concepcion na ang kaniyang karakter daw sa 'Ika-5 Utos' ang pinaka masamang karakter na kanyang ginampanan.
Migo Adecer
Taliwas sa makulit na personality ni Migo Adecer ang kaniyang karakter sa show kaya't dumaan sa workshops ang batang aktor upang mabigyang hustisya ang kaniyang role.
Valerie, Tonton, and Migo
Dahil sa isang kasalanan, mawawasak ang isang pamilya na gagampanan nina Valerie, Tonton, at Migo, kasama na rin si Klea Pineda.
Ika-5 Utos
Abangan ang 'Ika-5 Utos' na idinirehe ng tanyag na direktor na si Laurice Guillen sa GMA Afternoon Prime.