Isang dakilang pag-ibig ang tatawid sa susunod na henerasyon.
Iibig ang heredera ng isang heavy equipment company na si Ivy Tan kay Nelson Solano, isang engineer. Ngunit sa kabila ng edukasyon at natamo sa buhay ni Nelson, hindi pa rin boto sa kanya ang ama ni Ivy na si Ericson Tan.
Isang Filipino-Chinese family kasi ang mga Tan at tutol si Ericson kay Nelson dahil siya ay Pilipino.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa salamat sa tulong ni Laura Caraca, katulong na naninilbihan sa mga Tan at mabuting kaibigan ni Ivy.
Tutulungan ni Laura na magtanan sina Ivy at Nelson pero matutunugan ito ni Ericson. Mapipilitan siyang aminin ang plano ng dalawa matapos siyang tutukan ng baril ni Ericson.
Samantala, magka-crash ang kotseng sinakyan nina Ivy at Nelson na siyang ikakamatay ng lalaki.
Malalaman ni Ivy na si Laura ang nagsabi kay Ericson ng tungkol sa mga plano nila ni Nelson. Sa isang kumpruntasyon, aksidenteng masasabuyan ng asido ni Ivy ang mukha ni Laura. Ito ang tuluyang ikasisira ng pagkakaibigan ng dalawa.
Malalaman pa ni Ivy na nagdadalantao siya—bagay na ipaglalaban niya laban sa utos ni Ericson na ipalaglag ang bata.
Kalaunan ay papayag din si Ericson na ituloy ni Ivy ang kanyang pagbubuntis, pero ipapaako ang bata kay Cynthia, ang nakababatang kapatid ni Ivy.
Paglipas ng panahon, lalaki ang anak ni Ivy na si Rachel na salat sa pagmamahal ng inaakala niyang inang si Cynthia. Makikilala niya si Junjun, na lingid sa kanyang kaalaman ay anak ni Laura na mortal na kaaway ng kanyang tunay na inang si Ivy. Mabubuksan ang mga lumang sugat nang magsimulang mag-ibigan ang dalawa.
Mapagtanto kaya nina Ivy at Laura na hindi lang sarili nila ang sinisira nila dahil sa galit? Kaya ba nilang kalimutan ang kanilang nakaraan alang-alang sa kaligayahan ng kanilang mga anak?