Tom Rodriguez, masaya nang maka-duet si Regine Velasquez sa 'Full House Tonight!'
Abangan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa upcoming episode ng Full House Tonight! this Saturday (March 11) dahil tiyak na pakikiligin nila ang gabi niyo.
Ani Tom sa kaniyang interview, natuwa siya sa makabagong format na mapapanood sa Full House Tonight!
"Ang saya, sobra! 'Yung buong format nila parang napaka-refreshing niya for Philippine TV kaya halo-halo 'yung emosyon na naramdaman ko. Nandoon 'yung kinakabahan ka na magperform sa maraming tao, excited ka dahil alam mong masaya [at] maganda 'yung materyal dahil nabasa mo na 'yung script, tapos andoon 'yung na-starstruck ka kay Miss Reg," wika ni Tom.
Dagdag pa niya na isa sa mga highlights ng kaniyang guesting ay ang pakikipag-duet kay Regine Velasquez.
Aniya, "Sa Full House Tonight!, I'm very happy na binigyan nila ako ng ganoong napaka-sarap na oportunidad. Hindi lang 'yon, [kung hindi] sankaterbang tawa at saya ang ibinigay sa amin ni Carla."
Inaanyayahan din ni Tom ang lahat na tunghayan ang kanilang guesting this Saturday.
"Mga Kapuso, kami po ni Miss Carla Abellana ay mag-ge-guest dito sa Full House Tonight! We promise you that we're gonna do our best to make it as fun for all of you," saad ng aktor.
MORE ON 'FULL HOUSE TONIGHT!':
Carla Abellana at Tom Rodriguez, magpapakilig sa 'Full House Tonight!'