#MusicAndLyrics: 'Tadhana' by Denise Barbacena
Ang "Tadhana" official soundtrack ng unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.
Binigyang tinig ito ni Kapuso singer and actress Denise Barbacena.
Narito ang lyrics ng romantikong awitin:
VERSE 1
Noon dumadaan
'Di namamalayan
Naglalakad sa dilim
Nanatiling nakapikit
Ngunit namulat nang
Makilala ka
Nalimot na pangarap
Nabuhay nang kahawak ka
CHORUS
Ikaw ang bukas na
aking hinihintay
Ika'y hantungan na
Aking ilalakbay
Kahit malayo man
At may mga hadlang
Palaging may paraan
Hindi titigil hanggang
Ika’y maging aking tadhana
Tadhana
VERSE 2
Nagsisilbing gabay
Ang iyong kamay
Mahawakan sa habang buhay
Gagawin ang lahat 'di lang mawalay
Tala'y natatanaw
Buwan at araw
Mundo man ang agwat
Dahil sa 'yo posible ang lahat
CHORUS
Ikaw ang bukas na
aking hinihintay
Ika'y hantungan na
Aking ilalakbay
Kahit malayo man
At may mga hadlang
Palaging may paraan
Hindi titigil hanggang
Ika’y maging aking tadhana
wooh
Ikaw ang bukas na
aking hinihintay
Ika'y hantungan na
Aking ilalakbay
Kahit malayo man
At may mga hadlang
Palaging may paraan
Hindi titigil hanggang
Ika’y maging aking
Ikaw lang ang tanging tadhana
Tadhana
Panoorin at makisabay sa kanta sa official music video ng "Tadhana."
Abangan ang Destined To Be Yours, simula February 27 sa GMA Telebabad.
Sabay ding mapapanood ang premiere nito sa mga bansa sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
Denise Barbacena, tinig sa likod ng theme song ng 'Destined To Be Yours'