TV

WATCH: Walang kupas ang AlDub magic sa full trailer ng 'Destined To Be Yours'

By MARAH RUIZ
Updated On: February 15, 2017, 02:17 PM
Kasado na ang unang teleseryeng pagbibidahan ng phenomenal love team na AlDub o Alden Richards at Maine Mendoza.

Kasado na ang unang teleseryeng pagbibidahan ng phenomenal love team na AlDub o Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa Destined To Be Yours, gaganap si Alden bilang ang young architect na si Benjie, habang si Maine naman ang community radio DJ na si Sinag. 

Pinakilig nila ang mga manonood mula sa kalye ng iba't ibang lugar sa Pilipinas at umabot pa ito hanggang sa romantic na bansang Italy. 

Ngayon naman, paiibigin nila ang kanilang mga fans mula sa piksyunal na bayan ng Pelangi, isang mala-paraisong lugar kung saan pagbubuklurin ng tadhana ang dalawang taong pipiliin nito. 

Panoorin ang full trailer ng Destined To Be Yours:


Worldwide ang magiging premiere ng Destined To Be Yours sa February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Tignan ang ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito. 

 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

'Destined To Be Yours' charms viewers with a captivating tale of love at its purest

IN PHOTOS: Non-stop kulitan nina Alden Richards at Maine Mendoza

 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.