WATCH: Cast ng 'D' Originals,' nagkuwento tungkol sa kanilang roles
Malapit nang rumesbak ang mga orig sa D' Originals kaya't marami nang nakaabang sa mga pasabog na linya at nagse-seksihang aktres na mapapanood rito.
D'ORIGINALS. Makikilala na ninyo sila. Malapit na. ???????? #PilotTaping #TeleseryeMode
A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr) on
Kabilang ang Cannes Film Festival Best Actress Awardee na si Jaclyn Jose sa main cast ng D' Originals at kinuwento niya ang magiging synopsis ng show.
Aniya, "Kuwento [ito] ng tatlong babae, si Josie (Jaclyn Jose), si Marge (LJ Reyes) [at] si Sofia (Kim Domingo), na may mga asawa. Mga misis na nag-aakala, naniniwala o nagdududa na ang asawa nila ay may mga adyenda o may mga kabit."
Gaganap naman bilang isa sa mga kabit si Meg Imperial na excited mapasama sa cast ng D' Originals.
"Being one of the 'yung nagsisimula pa lang bumuo ng name like me, isang karangalan 'yon na makatrabaho sila dahil I know na marami akong mapupulot na aral sa kanila," wika ni Meg.
Panoorin ang buong ulat ng Unang Balita:
Sa panayam naman ni Lhar Santiago, handa raw makipagpatalbugan sa kaseksihan si LJ Reyes, nagkuwento rin ang aktres tungkol sa role na kaniyang i-po-portray.
"'Yung asawa ko, na pina-play na character ni Mark Herras na si Caloy, nawalan siya ng trabaho so kailangan kong gawin 'yung part niya na mag-provide para sa family. Sobrang hardworking at mapagmahal talaga siya to the point na bigay lang siya ng bigay," sabi ni LJ.
Panoorin ang ulat ng 24 Oras below: