Dating 'Ang Probinsyano' director Toto Natividad, guest director sa 'Cain at Abel'
"Napaka-ironic, 'di ba?"
Ito ang sagot ni Drama King Dennis Trillo nang hingan siya ng entertainment press ng reaksiyon sa pagiging guest director ni Toto Natividad sa upcoming GMA primetime series na Cain at Abel.
Kilala si Direk Toto bilang dating direktor ng FPJ's Ang Probinsyano, na tatapatan ng Cain at Abel simula November 19.
Dagdag pa ng aktor, "Ganun talaga ang buhay, minsan gugulatin ka na lang.
“Pero natutuwa ako na napunta siya sa programa na 'to dahil alam ko na talagang marami siyang bagong maio-offer at nakita ko 'yun nung makatrabaho ko na siya."
Ayon kay Dennis, hindi pa nila alam dati na sa parehong timeslot ng dating show ni Direk Toto sila mapupunta
"Noon, hindi pa namin alam na doon ang timeslot namin. So, ginagawa lang namin ang isang quality na show para kahit saang slot man siya ilagay ay tatayo at tatayo pa rin siya.
“Ang maio-offer namin ay talagang quality na programa, na hindi man pumantay doon, ay masasabi namin na binigay namin ang lahat para magkaroon ng alternatibong programa."
Aminado din naman siya na nararamdaman nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pressure.
Aniya, "Nandoon ang pressure, pero namin siya ginagamit para maramdaman in a negative way.
“Kumbaga, ginagamit namin 'yun para mas pag-igihan, para mas pagbutihin ang trabaho, at iniisip lang namin na kailangan marami kaming pasisiyahin na manonood."
READ: Dingdong Dantes says timing is perfect to work with Dennis Trillo for 'Cain at Abel'
Abangan ang Cain at Abel simula ngayong Lunes, November 19, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.