EXCLUSIVE: Dennis Trillo, bumilib sa acting ni Sanya Lopez sa 'Cain at Abel'
First time na makakatrabaho ni Dennis Trillo sa isang teleserye ang kanyang Cain at Abel leading lady na si Sanya Lopez.
Base sa obserbasyon ni Dennis, parang hindi daw baguhan ang aktres pagdating sa kanilang mga eksena.
"Bumilib ako sa kanya sa unang beses naming magkaeksena.
"Hindi ko naramdaman na baguhan siya o ilang taon pa lang siya sa industriya. Siguro sobrang nahasa rin siya sa workshops," pahayag ni Dennis sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
Nakikita daw niya kay Sanya ang dedikasyon sa trabaho, na aniya ay mahalaga para tumagal sa industriya.
"Natuwa lang ako na mabilis kaming nag-connect dahil naibibigay niya rin ang 100% doon sa mga eksena.
“Wala siyang ibang gawin kundi pagandahin 'yung eksena, nakikinig siya sa direktor, wala siyang reklamo.
“'Yun ang importante kung gusto mong maging magaling sa ginagawa mong trabaho.
“Kailangan mong mag-accept at mag-adjust. Nakita ko lahat 'yun sa kanya."
Abangan sina Dennis, Sanya, Solenn Heussaff at Dingdong Dantes sa Cain at Abel, malapit na sa GMA Telebabad.