Wyn Marquez, nakiramay sa pagpanaw ng ina ni Mark Herras
"Angelo, you know that I'll always be here for you. Magkatabi lang lagi 'di ba?" - Wyn
Sa pagpanaw ng ina ni Mark Herras na si Jasmin Santos dahil sa cardiac arrest, nagbigay ng mensahe si Wyn Marquez para ipakita ang kanyang suporta sa aktor.
Sa isang post sa Instagram, ipinahayag ni Wyn ang kanyang pakikiramay kay Mark. Aniya, "You've been through a lot and napakatatag mo na tao @angelo_herras."
Dagdag ni Wyn, "I know your mom will watch over you from a much better place. She is now with our creator and wala na siyang pain na mararansan. pure happiness nalang.."
Nangako rin si Wyn na lagi niyang aalalahanin ang mga sandaling magkasama sila ni Mark at ng kanyang Ina.
"Tita, I promise to cherish every moment with your son and 'yung sinabi niyo po sa akin lagi ko po ilalagay sa utak at puso ko 'yun. Angelo, you know that i'll always be here for you. Magkatabi lang lagi diba?"
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mark sa suporta at pakikiramay ni Wyn sa kanya.