WATCH: Bakit hindi na idedemanda ni Rhian Ramos ang lalaking nambastos sa kanya?
Hindi man niya itutuloy ang demanda, may makahulugang mensahe naman si Rhian sa lalaking nambastos sa kanya.
Nagulat ang netizens nang ibalita ni Kapuso actress Rhian Ramos na naging biktima siya ng sexual harassment noong November 12.
READ: Rhian Ramos, ikinuwento kung paano siya naging biktima ng sexual harassment
Nang makapanayam ni Aubrey Carampel si Rhian sa 24 Oras, sinabi ng Kapuso actress na hindi na raw niya idedemanda ang lalaking nambastos sa kanya.
Aniya, "Napatawad ko naman pero hindi ibig sabihin din na okay gawin 'yon. Na-resolve namin 'yung problem in our way."
Kailangan na raw malaman ng mga tao ang dulot na trauma sa mga nabibiktima ng sexual harrasment tulad niya. "Hindi kasi ito isang kuwento tungkol sa 'kin eh. Mas doon ako naka-focus sa malaking picture," saad niya.
Pero ilang linggo matapos ang masaklap na pangyayari, mayroon namang dumating na blessing kay Rhian dahil nakasali ang kanyang pelikulang Saving Sally sa Metro Manila Film Festival 2016.
"Shinoot ko kasi 'yung Saving Sally noong 19 years old ako. Pero dahil sa napakabigat ng post production niya, ibig sabihin napakabigat ng animation, lahat talaga kami [ay] iyakan nung nalaman namin na pasok siya sa film fest," pagtatapos ni Rhian.
READ: Rhian Ramos appeals to moviegoers to watch 'Saving Sally'
Panoorin ang kabuuan ng interview:
Video from GMA News
MORE ON RHIAN RAMOS:
Rhian Ramos, December cover girl of travel magazine
Rhian Ramos has a message for those who showed support after sexual harassment incident
WATCH: Rhian Ramos belts out Sam Smith's "I'm Not the Only One"