Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Bonding at the summits with Miguel Tanfelix and family

Updated On: February 24, 2020, 04:20 PM
Mountaineers ang mga magulang ni Miguel at ibinida niya kung paano sila mag-bonding. 

Sa edad na 15, mulat na si Kapuso actor Miguel Tanfelix sa extreme activities tulad ng mountain hiking.

Parehong mountaineers ang kanyang mga magulang. Kumbaga, “The family that hikes together, stays together.” Kuwento ng batang aktor, ang pag-akyat daw ng bundok ang maituturing niyang family bonding activity.

Sa interview ng GMANetwork.com, inisa-isa niya sa amin ang tatlong bundok na naakyat na niya.

Mount Daguldol, Batangas, 672 meters
Ang Mount Daguldol ang unang bundok na naakyat ni Miguel. Kasama niya raw sa pag-akyat ang kanyang Mommy at Daddy at ang grupo ng kanyang ama na Adamson Mountaineers.

Ani Miguel, sa tatlong bundok na naakyat niya, ito raw ang pinakamatarik. “Pinaka-una pero 'yun 'yung pinaka-extreme talaga. Meron doong part na sobrang init tapos sobrang tarik na talagang mauubos 'yung energy mo doon,” aniya.

Dagdag pa niya, “Saglit lang siya akyatin. Three hours lang. Pero 'yung daraanan mo, parang Spiderman ka sa mga bato doon.”

Pero aniya, kahit daw napakahirap akyatin ang Mount Daguldol, worth it naman daw ito dahil talagang napakaganda raw ng view kapag narating mo ang tuktok.

Mount Batulao, Batangas, 811 meters
Ayon kay Miguel, biglaan lang daw ang pag-akyat nila ng kanyang Daddy sa Mount Batulao kaya’t day-hike lang talaga ang ipinunta nila rito. “May kaibigan kasi si Daddy tapos tinext lang siya na - akyat ka rito, sunod ka na lang dito. Niyaya ako ni Daddy, o tara akyat tayo,” saad niya.

Kuwento ni Miguel, delikado raw ang mga dinaanan nila sa bundok na ito. Maraming daanan daw na makikitid at magkabilang bangin pa ang pagitan ng mga ito. “Mayroon din doong daan na pader tapos maliit lang 'yung daraanan tapos bangin ulit. Ang gagawin mo (ay) kakapit ka sa pader nang walang tali,” aniya.

Saglit lang daw na inakyat nina Miguel ang Mount Batulao dahil minadali nila. Hindi na raw sila nagpahinga kasi wala rin naman silang dalang bag kaya’t hindi raw masyadong nakakapagod.

Mount Pulag, borders of Benguet, Ifugao, and Nueva Vizcaya, 2,922 meters
Ang Mount Pulag ang pinakamataas na bundok na naakyat ni Miguel. Kasama niya rito ang Mommy at Daddy niya at tatlong kaibigan ng kanyang ama. Aniya, inabot sila ng limang oras sa pag-akyat at pinili nilang gabi mag-hike para daw hindi mainit.

Ani Miguel, naging mahirap daw ang pag-akyat nila dahil imbes na init ang kanilang kalaban ay nakaranas sila ng sobrang lamig. “Sabi nila, umaabot daw ng negative five degrees sa Pulag kaya grabe! Namamanhid na 'yung kamay ko,” aniya.

Malapit na raw magbukang-liwayway nang makarating sina Miguel sa tuktok. Hinintay raw nilang sumikat ang araw at nasaksihan niya ang napakagandang sunrise. “Paglabas ng araw, doon namin nakita 'yung clouds. ‘Yon 'yung pinakagusto kong bundok na naakyat ko,” saad ni Miguel.

Abangan si Miguel Tanfelix sa pagganap niya bilang Niño, ngayong May 26 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.