New movie for Michael V?
"Nami-miss ko nang gumawa ng pelikula" - Bitoy
By AEDRIANNE ACAR
Regalo daw para sa kanyang mga fans ayon kay Michael V ang bago niyang libro, ang The Bubble Bible.
Michael V's book signing event, a huge success!
The Big 20 of ‘Bubble Gang!’
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras kagabi (December 7), gusto din daw maipakita ng Kapuso comedy genius ang kanyang creativity sa pamamagitan ng pagsulat.
Saad ng Bubble Gang comedian, “Initially kailangan ma-irelease ko ‘yung aking author mode. We came up with something na mas madaling gawin, mas friendly sa audience na nag-fo-follow sa akin,”
“Yung sikap at ‘yung tiyaga ko na magbigay talaga ng kasiyahan sa mga tao ‘yung passion mo for what you do, 'tsaka for the art itself, for the industry ‘yun palagay ko ang nagtutulak sa akin na gumawa ng bago every now and then,” dagdag ni Bitoy.
Miss na miss na din ng Kapuso star ang gumawa ng pelikula kaya game na game daw siya for any movie offer.
“Movies siguro nami-miss ko nang gumawa ng pelikula, tignan natin baka through GMA Films [laughs]”