Filtered By: Celebrity Life | News
Michael V. and his favorite Bubble Gang characters
Published On: October 16, 2013, 02:39 PM
Updated On: February 25, 2020, 01:22 PM
Nakausap ng GMANetwork.com si Bitoy kamakailan sa taping ng 18th anniversary special ng Bubble Gang at naikuwento niya kung sino ang character na pinakamalapit sa kanyang puso.
Kilala ang aktor na si Michael V sa pagbibigay-buhay sa samu't saring karakter sa telebisyon, at karamihan ay ating nakita sa longest-running gag show na Bubble Gang, kung saan isa siya sa original cast members.
Nakausap ng GMANetwork.com si Bitoy kamakailan sa taping ng 18th anniversary special ng Bubble Gang at naikuwento niya ang naging simula ng programa at kung sino ang character na pinakamalapit sa kanyang puso.
"Nakakapagod, naging dancer ako! Pero it was fun, hanggang ngayon naiiyak pa nga ako," pambungad na sagot sa amin ni Bitoy nang kamustahin namin ang production numbers na ginawa nila as part of the anniversary episode.
Hindi raw niya inaasahan na 18 years ang itatagal ng kanilang show. In fact, nagbiro nga raw si Direk Cesar Cosme [Bubble Gang head writer] noong nagsisimula pa lamang sila na magdiriwang sila ng 18th anniversary balang araw. "As what Direk Cosme said kanina, it was a big joke eh. And we're glad na narinig na namin 'yung punchline."
Sa dami naman ng characters na pinasikat niya, sino sa kanila ang kanyang pinakapaborito?
"Marami eh, pero sa akin ang pinakatumatak talaga si GMA (dating presidente Gloria Macapagal Arroyo), not just because GMA ang pinagtatrabahuan natin, kundi doon sa power na puwedeng paglaruan. Si Junie Lee, na naging isa sa mga ewan ko kung ano’ng tawag doon sa klase ng talk show host na 'yon. At most of the time kapag nag-parody ako ng songs, 'yung sinasabi nilang ka-boses ko, kamukha ko, that time, si Ely Buendia," shares Bitoy.
As the show’s creative head, ibinahagi rin ni Michael V. kung paano nila sinisimulan ang pagbuo ng isang character, "Kami kasi sumasabay sa times. Kung ano 'yung uso, ano 'yung hinihingi ng audience sa amin, 'yun ang ibibigay namin sa kanila. So whatever's new, whatever it is that they want, 'yun ang asahan nilang ibibigay namin."
Dagdag pa niya, "When we start with a germ of an idea, hindi pa talaga buo 'yung character. Pagka naisulat na, nag-e-experiment kami. Most of the time gumagawa kami ng history ng character, ng bible ng characters, para malaman kung ano 'yung mga drives nila, mga motivations, kung ano ang kanilang mga goals. And then saka lang papasok 'yung kung ano talaga ang itsura at nuances nung character."
Nang tanungin namin siya kung may balak ba sila na muling gumawa ng pelikula based on the characters in Bubble Gang, ito ang naging sagot ni Bitoy: "Malabo na muna 'yun, saka na muna siguro. We're known for our TV shows so we'll stick to that at the moment."
Nag-iwan din ang batikang komedyante ng advice sa mga gustong sumunod sa kanyang yapak, tulad ng mga kabilang sa Bagong Gang. "Ano lang, keep the fire burning kasi andaming tao ang gustong maligayahan. So sana handa tayo na maging of service sa kanila. Ibigay natin 'yung gusto nila, which is konting ngiti lang naman. Just smile every Friday night, and it does a lot of things."
Huwag palampasin ang 18th anniversary special ng Bubble Gang this Friday, October 18, after My Husband's Lover. Abangan din si Michael V. sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles