Megan Young, naging makabuluhan ang 2015 dahil sa 'Marimar'
"It's been a great learning experience for me" - Megan
By MICHELLE CALIGAN
Naging malapit daw talaga kay Miss Word 2013 Megan Young ang title role niya sa primetime series na Marimar, dahilan para maging mas makabuluhan ang taong 2015 para sa kanya.
Sa kanyang panayam kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ni Megan na ang pagiging Marimar ang kanyang hindi makakalimutang TV project.
"From Miss World naging Marimar na ang tawag nila sa akin. It's a good thing. Actually happy ako kasi nag-stick sa kanila na ako 'yung Marimar ng 2015."
LOOK: 10 glammed up looks that Bella Aldama can borrow from Megan Young
Marami din daw siyang natutunan hindi lamang sa kanyang character pero pati na rin sa kanyang co-stars tulad nina Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, at kapatid na si Lauren Young.
READ: Megan Young, nasaktan nang sampalin ang kapatid na si Lauren sa 'Marimar'
"It's been a great learning experience for me. 'Yung Tagalog ko, nag-improve na rin, 'yung grammar ko. So lahat ng 'yun, maraming factors."
Sa pagtatapos ng Marimar this week, marami pang dapat abangan sa nalalabing episodes.
"Siyempre aabangan nila ang final revenge ni Bella Aldama sa mga Santibañez, at kung finally ay matutuloy na nga ba ang kasal nina Sergio at Marimar."
Malungkot man dahil matatapos na ang kanyang teleserye, looking forward naman si Megan sa kanyang bakasyon na reward daw niya sa kanyang sarili. Under contract pa rin siya sa Miss World Organization kaya may mga plano pa para sa kanya.
"Pag-uusapan pa lang din namin kung ano 'yung next for me. But for the meanwhile, since medyo naging intense yung taping namin ng Marimar, I'm going to have a little vacation. Parang gift ko na rin sa sarili ko 'yun for all the hard work that I have been doing."
Video courtesy of GMA News