WATCH: Ano-ano ang mga nangyari nang magkita ang mag-inang Alma Moreno at Mark Anthony Fernandez sa kulungan?
Nagkita na rin ang veteran actress na si Alma Moreno at kaniyang anak na si Mark Anthony Fernandez, dalawang araw matapos madakip at makulong ang ang aktor.
Nagkaharap na ang veteran actress na si Alma Moreno at kaniyang anak na si Mark Anthony Fernandez, dalawang araw matapos mahulihan ang aktor ng isang kilo ng marijuana.
Mabigat ang kaso na isinampa ng Philippine National Police laban kay Mark Anthony, dahil kapag napatunayan na lumabag siya sa batas ay maaring habang buhay na pagkakulong ang kaniyang maging parusa.
Video from GMA News
Bumisita si Alma Moreno sa anak na si Mark Anthony Fernandez kagabi. LIVE report mula Pampanga sa @UnangHirit! pic.twitter.com/X17K4OqKRX
— Mav Gonzales (@mavgonzales) October 5, 2016
Ayon sa report ni Mav Gonzales sa Unang Balita, alas-siyete ng gabi kahapon, October 5, bumisita ang ‘Tsuperhero’ star na si Ms. Alma Moreno sa station 6 ng Angeles City, Pampanga.
Dalawang oras nagtagal sa kulungan si Alma at hindi ito nagbigay ng ano mang pahayag sa media.
May payo naman si Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga pulis na maging focus sa kanilang trabaho, matapos kumalat sa social media at maging viral ang photo ng dalawang policewoman na nagpa-selfie kay Mark Anthony Fernandez bilang souvenir.
Ayon sa PNP Chief, maari kasing maharap ang dalawang policewoman sa kasong administratibo na 'conduct unbecoming of a police officer.'
Paalala din ni Dir. Gen Dela Rosa, “Please stay focus on your job. Your job to enforce the law, to apprehend criminals and not to have selfies with these law offenders. Pero ako personally ‘yun nga sinsabi ko naiintindihan ko ‘yung kanilang pagiging starstruck, dahil marami din tao ang nai-starstruck sa akin [laughs]”
May bago namang impormasyon ang GMA News reporter na si Mav Gonzales. Ayon sa kaniyang mga Tweet, na-suspend ang arraignment ni Mark Anthony Fernandez ngayong Huwebes, matapos maghain ang kaniyang kampo ng motion to suspend proceedings & reinvestigate.
Bukod pa diyan, hiniling din ng kampo ng aktor na mailipat siya sa Pampanga Provincial jail, dahil masyado na daw masikip sa Angeles City jail.
EXCLUSIVE: Dumating na para sa kanyang arraignment si Mark Anthony Fernandez. Kasama niya ang inang si Alma Moreno. pic.twitter.com/2CRiDxi5Wt
— Mav Gonzales (@mavgonzales) October 6, 2016
JUST IN: Mark Anthony Fernandez' arraignment suspended in both courts after his camp filed a motion to suspend proceedings & reinvestigate.
— Mav Gonzales (@mavgonzales) October 6, 2016
Fernandez' camp also moved for his immediate transfer to Pampanga Provincial Jail; said Angeles City Jail too crowded to accept new inmates.
— Mav Gonzales (@mavgonzales) October 6, 2016
More on MARK ANTHONY FERNANDEZ:
IN PHOTOS: Meet the artistahing anak of the 90s teen boy group, Gwapings
WATCH: Mark Anthony Fernandez, nakakulong matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana
WATCH: Mark Anthony Fernandez, dati nang labas-masok sa rehabilitation center