Hot mommy Marian Rivera, bares her secret to staying fit and sexy
Barely four months after giving birth to Maria Letizia, Marian has lost the pounds she gained during pregnancy and is now back on the limelight.
Hindi mahahalata sa mukha ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang puyat at pagod sa pag-aalaga sa prinsesa nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia ng makapanayam ito ni Nelson Canlas para sa StarBites ng Balitanghali. Ayon sa ulat ng GMA showbiz reporter, nag-eenjoy ang Kapuso actress sa pag-aalaga sa kanyang baby.
Kuwento ni Yan-Yan, “Ang importante sa amin ‘yung araw-araw na i-experience namin bilang mag-asawa ‘yung may anak kami, so iba talaga siya. Kapag nakikita mo ‘yung anak mo, kahit mapuyat ka priceless talaga siya.”
Malaking tanong tuloy ng mga fans, kung papaano na maintain ng misis ni Dingdong ang kanyang healthy at sexy figure?
“Nagpapadede lang ako. Siyempre ‘yun ang pinaka importante sa lahat, kumbaga inaalagaan mo ‘yung anak mo, ‘yung asawa mo, pero dapat hindi mo pinapabayaan ‘yung sarili mo.”
Video courtesy of GMA News
Malapit na ring magbalik sa drama si Marian Rivera. Matatandaan na noong nakaraang buwan, opisyal na inanunsyo ng Kapuso Network na makakasama ang actress/host sa remake ng telefantasya na Encantadia ngayong 2016.
More on MARIAN RIVERA:
Twitterverse celebrates the crowning of Marian Rivera as the new Ynang Reyna!
Marian Rivera, may ibabahaging recipe sa 'Idol sa Kusina'