Kris Bernal, umaming magulo ang love life ngayon
Sa interview ni Marian Rivera sa actress sa 'Yan Ang Morning!' may inamin si Kris tungkol sa kanyang love life.
Sa interview ni Marian Rivera kay Kris Bernal sa Yan Ang Morning!, tinanong ng actress-host si Kris: "Kung ikukumpara sa pagkain ang huli mong naka-date o naka-relasyon, anong putahe ito?"
Sagot naman ni Kris, “Paella. Kasi mahirap siya lutuin, mahirap gawin, magulo.”
Sinabi rin ng dalaga na ang “lasa” ng love life niya ngayon ay “maalat.” Dahilan niya, “On and off, eh. Hindi ko maintindihan. Magulo, eh.”
Bakit kaya magulo at maalat ang love life ni Kris ngayon? Keep logging on to GMANetwork.com for updates on Kris Bernal and your favorite Kapuso artists and programs.
MORE ON YAN ANG MORNING!:
Mark Herras on disciplining his daughter Sofia: "Ayokong mamalo ng bata"
May nililigawan na ba ang anak ni Zoren Legaspi na si Maverick?