Kris Bernal, nililigawan ni Renz Fernandez?
Ayon kay Kris, walang pormal na sinasabi si Renz na nanliligaw siya ngunit mayroon siyang mga kilos na mukhang papunta na roon.
By AL KENDRICK NOGUERA
"Hindi ko sure. Ayokong mag-assume. Mabait lang talaga 'yon, malambing lang talaga 'yon," sagot ni Kris Bernal nang tanungin namin ang real score sa pagitan nila ng Little Nanay co-star niyang si Renz Fernandez.
Base sa nakuhang reaksyon ng GMANetwork.com sa production staff ng nasabing GMA Telebabad soap, mukhang totoong nanliligaw si Renz kay Kris.
READ: Loyal fan ni Kris Bernal, lumipad pa pabalik ng Pilipinas para makasama ang idolo ngayong holidays
Ayon kay Kris, walang pormal na sinasabi si Renz na nanliligaw siya ngunit mayroon siyang mga kilos na mukhang papunta na roon.
"Ilang beses niya na 'kong inayang lumabas like mag-movie or mag-dinner. Tapos every time pupunta siya sa taping, may pa-something siya. Basta pag-alam niyang may gusto ako, ibibigay niya. Reregaluhan niya 'ko nang wala namang okasyon," saad niya.
Dagdag pa ni Kris, "Basta may one time na nakatulog na 'ko tapos pagbukas ko ng bag ko, may ibinigay siya sa 'kin na alam niyang gustong-gusto ko."
Kung nanliligaw talaga si Renz, papasa ba siya kay Kris? "Okay naman. Alam mo si Renz, napakabait niya at saka 'yung sense of humor niya nakakatuwa. And ang gentleman ni Renz, ang gwapo rin," sagot ng aktres.
"Hindi ko pa masyadong naiisip [na maging kami] kasi nag-e-enjoy pa 'ko doon sa friendship namin. So ayoko pang haluan. Gusto ko komportable lang kami," pagtatapos ni Kris.