EXCLUSIVE: Julie Anne San Jose, nakaka-relate raw sa kanyang karakter sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa?'
Unang lead role raw ito ng Kapuso star kaya nakakaramdam siya ng kaba at saya.
Nakita ni Kapuso star Julie Anne San Jose ang kanyang sarili sa karakter nito na si Santina Marquez sa remake ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa.
Kuwento ng actress-singer sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa set, “Si Santina [is] like a rose, sobrang fragile niya at the same time, maprinsipyo siyang tao tapos palaban siya. Kapag natatapakan ang mga mahal niya sa buhay, talagang ipaglalaban niya. Palagi [rin] siyang masayahin [at] sobrang positive ng aura niya.”
Ang mga katangian na ito ay ang pagkakatulad raw nila ni Santina, kabilang na ang pagiging simple, ambisyosa at ang gusto na maabot ang kanyang mga pangarap.
Ang pagkakaiba raw nila ay ang pagiging “demure” ng kanyang karakter habang siya ay “medyo boyish sa totoong buhay” at ang mga karanasan sa buhay.
Malubha ang mga pagdadaanan ni Santina sa buhay, lalong-lalo na't isa siyang ulila mula pagkabata. Makakakasagupa niya pa ang malditang si Angeli Martinez sa katauhan ni award-winning actress na si LJ Reyes na siyang mang-aapi sa dalaga nang dahil sa pag-ibig.
“Wala naman akong experience na [naging] ulila kasi meron naman akong mga magulang, they’re alive [at] hindi naman ako naapi,” saad ng aktres.
Unang lead role raw ito ng Kapuso star kaya nakakaramdam siya ng kaba at saya. Bukod rito, excited siyang makasama ang “bagong production, bagong staff at bagong cast” ng programa.
“I’m happy, and I’m thankful din sa GMA Network na nagkaron ulit ako ng opportunity na magkaroon ng acting project kasi it’s been a while since the last time I had a soap like ‘yung Buena [Familia].”
MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:
Julie Anne San Jose renews contract with GMA, dubbed as among the network's key talents