Juancho Trivino, enjoy sa pagiging segment host ng 'Unang Hirit'!
Mas pinainit ni Kapuso star Juancho Trivino a.k.a “Juancho Gwapito” ang summer ngayong taon! Iba’t ibang water activities ang sinusubukan ng hunk actor bilang segment host ng Unang Hirit.
READ: Juancho Trivino, mapapanood na sa ‘Unang Hirit’
Sumabak siya sa show noong huling linggo ng Marso at nasisisyahan raw siya sa kanyang pagiging parte ng morning barkada, “It’s [very] fun! Actually, gustong-gusto kong ginagawa ‘yun kasi enjoy na enjoy ako doing these challenges.”
Ang mga bagong katrabaho niya raw ang nagbibigay enerhiya sa kanya sa umaga, “‘Yung mga co-hosts ko, mababait silang lahat. ‘Di bali na lang na nagigising kami ng 1 a.m. [para pumunta ng] set [kasi] parang it’s worth it.”
Ikinuwento rin ng Kapuso actor ang mga na-try na niyang activities, “’Yung hydro zorb, ‘yung nilagay ako sa [loob ng] malaking bola tapos I had to hold two eggs, wakeboarding, flyboarding at marami pa. Iba’t ibang water activities ang ginagawa ko.”
A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on
Suwerte raw si Juancho dahil siya ang napiling maging segment host at dahil hindi niya pa nararanasan ang mga summer activities na iyon.
“Actually, matatakutin ako pero hindi naman nila alam na matatakutin ako. Noong napasabak na ako doon sa Unang Hirit, wala na [dahil] kailangan ko gawin, siyempre televised and I ended up liking it,” saad niya sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.
Kaninang umaga, ipinagdiwang ng Kapuso star ang kanyang kaarawan sa show. Happy Birthday, Juancho Gwapito!
A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on
MORE ON JUANCHO TRIVINO:
Juancho Trivino gets longtime wish
Juancho Trivino receives gift with sweet farewell message from Kris Bernal