Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Jean Garcia, ayaw magpatawag ng lola sa magiging anak ni Jennica

Updated On: February 19, 2020, 09:35 PM
Dahil papalapit na ang paglabas ng panganay ni Jennica Garcia, hindi maitago ni Jean ang kanyang excitement para sa unang apo.
By AL KENDRICK NOGUERA



Kabuwanan na ngayon ng anak ni The Half Sisters star Jean Garcia na si Jennica Garcia. Dahil papalapit nang lumabas ang baby girl, hindi maitago ni Jean ang kanyang excitement sa unang apo.

"Madadagdagan ang mga kakikayan at kamalditahan. (laughs) Isang Jean at isa pang Jennica [ang madaragdag] sa buhay namin," ani Jean.

Pero ayon kay Jean, kahit unang apo niya ito ay ayaw niya pa rin daw magpatawag ng lola dahil feeling niya ang tanda-tanda na niya.

Ano kaya ang gustong itawag ni Jean ng kanyang apo? "Hindi ko nga alam. Sabi ko nga kay Jennica, sige pumili ka na kung ano ang itatawag sa 'yo. Kung mommy, mama. Sabi ko 'yung matitira roon, 'yon na lang ang sa 'kin. Basta huwag lang lola or grandma," sagot niya.

Bago manganak si Jennica, gustong iparating ng kanyang ina ang mensaheng ito.

LOOK: 5 expectant celebrity dads 

"Alam mo I'm very proud of you and Alwyn [Uytingco]. Na-prove niyo sa 'kin na talagang hindi ka nagkamali sa desisyon mo na magpakasal. At ngayon, mayroon ka ng pamilya. I'm very proud of you. Proud din ako sa inyong dalawa ni Alwyn kasi ang center ng inyong pamilya ay ang Panginoon. Sobra akong blessed to have both of you in my life. At madadagdagan na tayo ng isang baby so I'm very excited. I will always pray na palagi tayong matibay, na palagi tayong magkakasama, walang iwanan, sama-sama, isang buong pamilya," bahagi ni Jean.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.