Donita Rose, magpa-Pangasinense sa 'That’s My Amboy!'
Dapat abangan ang ibang side ni Donita Rose na mapapanood lang sa bagong GMA teleserye na 'That’s My Amboy!'
By GIA ALLANA SORIANO
Ibang side naman daw ni Donita Rose ang mapapanood sa bagong GMA teleserye na That’s My Amboy!
Si Donita Rose ay ang mapagmahal na si Nanay Cecille, ina ni Barbie Forteza (as Maru) sa show. Isa siyang dating artista dito ngunit ngayon ay tindera na ng mga “tapa at longanisa.” Isa raw malaking shift ito sa dating masungit na character ni Donita sa Let the Love Begin.
A photo posted by realdonitarose (@realdonitarose) on
Tuwang tuwa naman daw ang aktres sa kanyang panibagong role, lalo na at maipapakita na niya ang kanyang galing sa pagpa-Pangasinese dito! Ika niya sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, “What I like about my role is they asked me originally to speak Bisaya, but what people don’t know is that I’m actually fluent in Pangasinense. Sabi ko, ‘bakit di na lang natin gawing Pangasinense, kasi that would be the natural.’
“And they liked the idea, so I’m really excited because hindi mo makita talaga sa akin as an AmGirl na fluent ako sa isa sa mga pinakamahirap na dialect sa buong Pilipinas, at yun ay Pangasinense.”
Dagdag pa niya na pag nasa abroad sila ng mom niya, Pangasinese ang ginagamit talaga nila kaysa English. Dahil dito, nasabi ng aktres na “I can’t believe, na dahil sa mga experiences ko na ito, magagamit ko siya sa isang soap.”
Abangan Si Cecille sa That’s My Amboy this January 25 na, pagkatapos ng Little Nanay!
READ: Bakit nag-barangay pictorial si Meryll Soriano for 'That's My Amboy?'
WATCH: Reaksyon ni Barbie Forteza nang marinig ang mga kataganang 'pack-up na!'