Filtered By: Celebrity Life | News
Dennis Trillo, may inamin tungkol kay Jennylyn Mercado
Published On: May 23, 2015, 07:20 PM
Updated On: February 22, 2020, 11:53 PM
Sa wakas, nagsalita na rin ang aktor ukol sa mga balibalitang nagkabalikan na sila ni Jennylyn Mercado.
By MARAH RUIZ

Noong nakaraang Semana Santa, maraming netizens na nakapansin sa mga litratong nai-post nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanikanilang mga Instagram accounts. Lumalabas kasing pareho silang nasa Balesin sa panahong iyon. Magkasama pa silang nanood ng isang UFC fight kamakailan.
Marami tuloy ang nagtatanong, nagkabalikan na nga ba sila?
Kinulit ng Startalk hosts na sina Lolit Solis at Heart Evangelista si Dennis at umamin naman ito.
"Nagkita kami doon sa Balesin," panimula ni Dennis.
Ngunit agad nitong dinagdag na ang kanilang pakikita doon ay walang bahid ng kahit anong romansa.
"Naayos lang 'yung pagkakaibigan namin, 'yung relasyon namin bilang magkaibigan," ayon dito.
Hindi naman tinutuldukan ni Dennis ang posibilidad ng panibagong romansa kasama si Jen.
"Wala namang imposible. Minsan hindi mo alam, ganun na pala 'yung mangyayari. Pero sa ngayon, wala naman po kaming minamadali. Kung ano man 'yung meron kami, masaya kami pareho doon," paliwanag ni Dennis.

Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS