Barbie Forteza, worried sa ratings ng 'That's My Amboy?'
After ng 2-year run ng 'The Half Sisters' sasabak na naman si Barbie Forteza sa isang GMA serye, ang 'That's My Amboy.'
By GIA ALLANA SORIANO
After ng 2-year run ng The Half Sisters sasabak na naman si Barbie Forteza sa isang GMA serye, pero this time sa light drama-comedy na That's My Amboy bibida ang aktres.
A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on
Nang tanungin si Barbie kung worried ba siya kung maging kasing successful ng The Half Sisters ang kanyang bagong show, inamin niya na wala pa sa isip niya ang ratings sa ngayon. Ika niya, “Wala pa kami sa point na iniisip namin, sana mag-rate 'to, sana tumagal 'to. Kasi, kahit naman nung The Half Sisters namin, hindi naman po naming inisip agad agad."
Dagdag pa niya, “So, ngayon, ang gusto lang namin, naming lahat actually, ay magustuhan lang ng viewers 'yung ginawa namin, hindi lang sa part namin ni Andre. Sana 'yung chemistry [din] ng buong cast, sana matuwa sila sa ginawa namin. 'Yun muna. 'Tsaka na 'yung mga ratings, and 'yung length ng show.”
READ: Barbie Forteza at Andre Paras balik tambalan sa 'That's My Amboy'
READ: Barbie Forteza very excited na makatrabaho ulit si Andre Paras
WATCH: Barbie Forteza, ‘proud mom’ sa kanyang pusang si Beh