Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Alden Richards, kumpirmadong kasama sa MMFF movie nina Vic Sotto at Aiai delas Alas

Updated On: March 14, 2020, 02:20 PM
Kinumpirma ni Direk Joey Reyes na makakasama nina Bossing Vic Sotto at Aiai Delas Alas si Alden Richards sa kanilang Metro Manila Film Festival entry na 'My Pabebe Love.'
By CHERRY SUN



Kinumpirma ni Direk Joey Reyes na makakasama nina Bossing Vic Sotto at Aiai Delas Alas si Alden Richards sa kanilang Metro Manila Film Festival entry na My Pabebe Love.

“Definitely Alden is in. We’re still negotiating lamang doon sa [Yaya] Dub portion,” panimula ni Direk Joey.

“Kasi hindi lamang itong pelikula nag-e-exist on its own eh, may TV show rin na kailangang pangalagaan si Yaya Dub,” dugtong niya.

Ipinaliwanag din ni Bossing kung bakit hindi pa sigurado kung mabubuo ang tambalang AlDub sa kanilang pelikula.

READ: AlDub, hindi pa siguradong makakasama sa MMFF film nina Vic Sotto at Aiai delas Alas? 

“[Kino-consider] ‘yung mga schedule nila sa [Eat] Bulaga. Nagkita nga minsan, medyo nabwisit pa ng plywood. Kasi medyo mahaba pa ‘yung tatakbuhin nung kalye-serye,” sambit nito sa panayam ng 24 Oras.

Nagbiro rin ang Philippine Comedy Queen na sila raw ni Vic ang original na hinadlangan ng plywood.

Hirit ni Aiai, “Talagang kami ‘yung una nun tapos hindi nagkatuluyan. Ngayon ikakasal na siya. Eh idol ko siya, ikakasal na rin ako after.”

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.