Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Aiai delas Alas, itinangging "package deal" sila ni Sancho

Updated On: November 9, 2020, 02:17 AM
"Hindi ba ganun naman ang nanay, lahat gagawin para sa anak?" - Aiai Delas Alas
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi itinago ni Philippine Queen of Comedy na si Aiai delas Alas ang kanyang excitement dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatrabaho niya ang anak na si Sancho. Magkasama ang mag-ina sa upcoming primetime series na Let the Love Begin, na pagbibidahan rin nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

READ: Let the Love Begin, ngayong May 4 na 

"Happy na happy ako. Alam mo, 'yun ang pinaka-happy ko, 'yung makakasama ko si Sancho sa show. Dream niya 'to eh, dream niyang makasama ko siya first, dream niya rin na mag-artista. Artista na siya, kayang happy na happy ako," kuwento ng nagbabalik Kapuso.

LOOK: A grand entrance for the Comedy Queen 

Dahil magkasama sila sa naturang teleserye, hindi naiwasang itanong ng press kung package deal ba sila ng anak.

"Hindi! At saka kahit hindi package gagawin ko ang lahat! Hahaha! Hindi ba ganun naman ang nanay, lahat gagawin para sa anak? Kumbaga kahit hindi siya kasali, ay isali niyo siya!"

Paglilinaw niya, "Dapat sa The Half Sisters talaga siya. Siguro nag-decide na lang na dito kasi magsisimula pa lang ito, para mahaba ang role niya, para mahaba-haba ang suweldo niya (laughs)."

Sa panayam naman kay Sancho, itinanggi niya na pinulitika nilang mag-ina ang pagpasok niya sa showbiz. Aware din ang younger Delas Alas that he will be frequently referred to as 'anak ni Aiai'.

"Alam ko naman po na dadating sa ganung punto, na 'Kaya lang 'yan andiyan kasi anak 'yan ni ganito.' Bago po kasi ako pumirma dito sa GMA, nagkaroon po ng panel screening, ng malawakang audition para sa mga gustong maging artista. Pumunta po ako doon, marami po akong kasabay. Hindi po ito 'yung 'anak ni Aiai 'to, pag-artistahin natin kasi gusto.' Hindi po ganun. I'm proud to say na pinaghirapan ko po 'yung way ko papasok. Hindi lang po ako basta anak ni Mama."
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.