Best scenes in 'The Half Sisters' thus far
Kasabay ng celebration ng 200th episode ng longest running day-time show na 'The Half Sisters,' muli nating balikan ang mga eksenang hinding-hindi ninyo makakalimutan.
Kaning-baboy
Isa lang sa pagmamalupit na ginawa ni Ashley kay Diana noon ang pagpapahiya sa kapatid nang pabuhusan niya ito ng kaning-baboy sa isang party.
Ang pagsabog ng yate
Mabubuo na sana noon ang pamilya nina Benjie at Rina ngunit winasak ni Alfred ang pangarap nila nang pasabugin ang yate na kanilang sinasakyan.
Ang pagkikitang muli
Nawalan na ng pag-asa si Diana dahil akala niya ay mag-isa na lang siya sa buhay. Buti na lamang ay nagkita silang muli ng inang si Rina.
The revenge
Hindi inakala ni Ashley na makakabangon pang muli si Diana matapos siyang palayasin ni Alfred sa kanilang bahay. Ito ang naging simula ng paghihiganti ni Diana.
Naisahan si Alfred
Napaniwala ni Rina si Alfred na hindi siya ang dati niyang asawa. Sa isang date, sinadyang buhusan ni Rina si Alfred ng tubig para maghiganti.
The confrontation
Matapos ang ilang taon, nagulat si Alfred nang makitang muli si Doña Elizabeth McBride, ang lola ng dati niyang karelasyon na niloko niya.
Pagbangon mula sa hukay
Ipinahukay ni Rina ang kabaong ng pekeng Rina na pinaglamayan nila noon at saka niya ginulat sina Alfred na nakatayo sa kanilang harapan ang bago at matapang na Rina.
Jackie vs Venus
Mala-manok na nagsabong sina Jackie at Venus nang hindi sila sinasadyang magkita sa daan. Sa wakas ay naipaghiganti rin ni Venus ang kaibigang si Rina sa kabit ni Alfred.