New fate awaits in ‘Sunday All Stars’
Ngayong linggo sa Sunday All Stars, painit ng painit at patindi ng patindi ang labanan. A new twist was announced last episode at ipinakilala ang mga bagong team leaders ng mga grupo. Sa pangyayaring ito, ano kaya ang magiging kapalaran ng Tweet Hearts, InstaGang, Ligang iLike at Tropang Trending?
Napili si Julie Anne San Jose para maging leader ng Team Tweet Hearts. Pangungunahan naman ni Mark Herras ang Tropang Trending. Samantala si Louise delos Reyes naman ang napiling mamumuno sa Ligang iLike. At sa pagkakataong ito, si Glaiza de Castro ang napiling magiging bagong leader ng InstaGang. Ngayong bago na ang kanilang leaders, magkakaroon na rin kaya ng pagbabago sa kanilang kapalaran?
Noong una ay nag-alangan si Julie Anne San Jose sa alok na maging team leader ng Team Tweet Hearts. Matatandaan na si Jennylyn Mercado ang dating leader ng grupong ito. Sa pilot episode ng Sunday All Stars, nanalo kaagad sila ng Best Team Performance. Nakatutok din ang Big Four sa Tweet Hearts at kung paano nila mapapanatili ang kanilang Best Team Performance award. Mapapatunayan kaya ni Julie Anne na may kakayahan siyang maging leader tulad ni Jennylyn Mercado?
Magkasunod naman ang pagkapanalo ng Tropang Trending. Nagulat ang lahat na muli nilang nakamit ang Best Team Performance last Sunday. Meron pa silang advantage dahil dalawa sa kanilang miyembro ang itinanghal na Best Performer, sina Mark Herras at Rochelle Pangilinan. Ngayong si Mark Herras na ang leader, mapapasakamay kaya nila ang Best Team Performance ulit?
Nasa alanganing posisyon naman ang Ligang iLike. Napag-alaman na may dalawang miyembro na hindi makakasama sa performance ngayong linggo. Hindi makakapunta sina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil pareho silang nakaleave. Ano kaya ang gagawin ng bagong leader na si Louise delos Reyes para manalo ang kanyang team?
Hindi pa nakukuha ng Team InstaGang ang Best Team Performance. Si Glaiza de Castro na ba ang magpapanalo sa kanila?
Alamin kung kaninong grupo ang mag-uuwi ng Best Team Performance award ngayong linggo sa nag-iisang celebrity showdown on TV, Sunday All Stars! – Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.